Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong magpapalawak at magpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba't ibang larangan sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o "makapag-teorya" sa wikang Filipino batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto ng komunidad at makapagbigay ng masmalalim na kaalaman at saliksik na may kaugnayan sa pagpapalawak ng kaalaman na may kaugnayan sa (GAD) Gender and Development at (IPS) Indigenuos People sa bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Filipino sa Iba't Ibang Disiplina( FILDIS). Samakatwid, ito ang karagdagang 3 yunit ng GE-Filipino para sa mga kumukuha ng mga kurso sa larangang Humanities, Social Sciences at Communication/ HUSOCOM (gaya ng Bachelor in Secondary Education/BSE Filipino, BSE Chemistry, AB Political Science, Communication Arts, Journalism, Legal Management at iba pa.), bukod pa sa 6 na yunit ng batayang GE-Filipino (KOMFIL at FILDIS) na kinuluha rin ng mga mag-aaral na ang kurso ay NON-7HUSOCOM.