DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring
pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan
ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga
estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at
teorya na akma sa konteksto ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS).
Samakatwid, ito ang karagdagang 3 yunit ng GE-Filipino para sa mga kumukuha ng mga kurso sa larangang Humanities, Social Sciences at
Communication/HUSOCOM (gaya ng Bachelor in Secondary Education/BSE Filipino, BSE English, BSE Chemistry, AB Political Science,
Communication Arts, Journalism, Legal Management at iba pa.), bukod pa sa 6 yunit ng batayang GE-Filipino (KOMFIL at FILDIS) na kinukuha rin ng
mga mag-aaral na ang kurso ay NON-HUSOCOM.

PicsArt_06-06-04.52.15.jpgPicsArt_06-06-04.52.15.jpg